Saturday, December 19, 2015

Sa Umagang Dala pa rin ang Sakit


Sa bawat araw na tayo‘y gumigising dala ang pag-asang tayo’y makakalimot sa ating mga nakaraan. Mga masasalimot na nakaraan ng nagdaang pag-ibig. Ang pag-momove on ay parang paggising sa umaga, mahirap pero kailangan. Sa pagmulat ng aking mata ay bakas pa rin ang mga luhang mula sa sakit ng iyong pag iwan. Sa pagbangon ko ay dala ang bigat ng aking nararamdaman mula sa damdaming iyong sinaktan. Sa bawat umaga na laging ang aking cellphone ang hinahanap na umaasang makita ko ang iyong mensahe ng pagbati ng magandang umaga pero wala dahil tayo’y wala na at pinapagod ko lang ang sarili ko na para bang ako na patuloy paring umaasa sa’yo na muli tayong magiging masaya. Sa pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto ay dala ng pagharap ko sa realidad na tayo ay wala na, wala nang aasahan na ako’y magiging masaya pang muli. Sa aking pag-upo sa hapag kainan upang kakain sa almusal at umaasa na sana kasing dali ng pagkain ang pag-momove on. Kailangang isubo ang mga sakit, durugin ito ng pinong-pino, lunukin ang mga sakit at pighati nito at hayaan ang tiyan na ikalat ang mga magagandang dulot nito sa damdamin at sa aking puso, at kalaunan ang mga hindi magandang dulot nito ay mailalabas na para bang wala lang at iiwan na ito sa isang tabi. 

Sunday, June 28, 2015

Popular Posts

Recent Posts

Unordered List

Text Widget

Total Pageviews

Powered by Blogger.