Sa Umagang Dala pa rin ang Sakit
Sa bawat
araw na tayo‘y gumigising dala ang pag-asang tayo’y makakalimot sa ating mga
nakaraan. Mga masasalimot na nakaraan ng nagdaang pag-ibig. Ang pag-momove on ay
parang paggising sa umaga, mahirap pero kailangan. Sa pagmulat ng aking mata ay
bakas pa rin ang mga luhang mula sa sakit ng iyong pag iwan. Sa pagbangon ko ay
dala ang bigat ng aking nararamdaman mula sa damdaming iyong sinaktan. Sa bawat
umaga na laging ang aking cellphone ang hinahanap na umaasang makita ko ang
iyong mensahe ng pagbati ng magandang umaga pero wala dahil tayo’y wala na at
pinapagod ko lang ang sarili ko na para bang ako na patuloy paring umaasa sa’yo
na muli tayong magiging masaya. Sa pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto ay dala
ng pagharap ko sa realidad na tayo ay wala na, wala nang aasahan na ako’y
magiging masaya pang muli. Sa aking pag-upo sa hapag kainan upang kakain sa
almusal at umaasa na sana kasing dali ng pagkain ang pag-momove on. Kailangang
isubo ang mga sakit, durugin ito ng pinong-pino, lunukin ang mga sakit at
pighati nito at hayaan ang tiyan na ikalat ang mga magagandang dulot nito sa damdamin
at sa aking puso, at kalaunan ang mga hindi magandang dulot nito ay mailalabas
na para bang wala lang at iiwan na ito sa isang tabi.